pagpapatawad
Minsan ang hirap pakisamahan ng tao. May mga pagkakataon, gawin mo nga lahat ng pwede mong gawin, may reklamo pa rin. Para bang nagpipilit na ayaw intindihin ang mga bagay at pinipilit na panatilihin ang kanilang galit dahil sa hindi ko malamang dahilan. At maski na kausapin mo ng maayos para ma-areglo ang usapan, at akala mo eh okey na kayo, bigla na lang makakarinig ka ng kung anu-anong sinasabi laban sa iyo sa ibang tao o di kaya eh halos mawala na ang kilay pag nagkataong nasalubong mo para lang ipakita na mas magaling sya sa iyo. Minsan nga halos madapa pa para lang iwasan ka. Sa totoo lang, nakakapagod at nakakalungkot.
Noong isang araw, naturingang sponsor ng misa sa Nobena ni San Lorenzo ang mga kabataan at bilang pagsunod sa aming toka, ako ay nag-serbisyo sa araw na iyon bilang komentator. Sa pagdating ng sermon ng pari, doon ko nalaman na meron pala syang serye sa kanyang sermon sa simula pa ng nobena noong isa pang biyernes. Di sinasadya, ang kanyang sabdyek ay pagpapatawad o “forgiveness”.
May mga binanggit sya na bagay na tumatak sa akin tulad ng pagsabi nya na pag may sama daw tayo ng loob kanino man, kausapin muna natin si Lord dahil di natin kayang harapin ng sarili nating galit ng tayo lang. Kailangan natin ng kanyang “Divine Intervention”. Ika nga, to err is human, to forgive divine. Nung pagkakataon na yon, na-gets ko yung ideya dahil kung ako lang ang tatanungin, sabunutan na lang tayo, pero dahil nahihiya akong magkaroon ng ganong reaksyon kay Lord kasi nga nasa simbahan ako, pinipigilan ko ang sarili ko at nahihimasmasan ako.
Isa pang bagay na tumatak din sa akin eh “Ang taong galit, bingi...”. Kasi nga nabubulag ng emosyon, di makapag-isip ng maayos. Minsan, ganon ang pakiramdam ko sa iba kaya nga ang hirap din kausapin. Kasi maski anong eksplika ang gawin para magka-intindihan kayo at maski anong paghingi ng paumanhin ang gawin mo, wala pa ring mangyayari. Ang kaso nga doon, kung ako lang ang gagawa ng paraan pero wala namang “pagtanggap” o “acceptance” mula sa tao, wala rin akong magagawa. Nakakalungkot na nakaka-frustrate.
Pero maski papano, nag-isip pa rin ako na gumawa ng hakbang at lapitan ang mga tao na ito noong pagbibigayan ng kapayapaan sa misa. At dahil na rin nahihiya ako kay Lord, kaya sige na nga shake hands tayo at peace be with you na lang. Di to bola pero nung bumalik ako sa lugar ko, magaang ang pakiramdam ko. Proud ako sa sarili ko na kaya kong gawin yon sa mga taong may sama ng loob sa akin. Yon na lang ang consolation ko.
Kaso, madaya si Father kasi meron pang karugtong ang kwento nya na yon. Nakuha ko rin kasi na e-mail yon mula sa childhood friend ko na si Ivy at mula sa e-mail na ito kinuha ni Father ang kanyang mga pointers. Sa kadulo-duluhan eto ang sinabi...
“You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewels, because you need them for you to mature. Hangga't andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people; it's for you to take away your bad feelings towards them. You'll know na mature ka na pag dumating 'yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them. Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, "I will grow mature," and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD (hopefully... SOON!)”
At tok!