a friend hears the song in my heart and sings it to me when my memory fails

Thursday, April 27, 2006

ang bait talaga ni Lord!

nasabi ko na napapraning na ako sa wedding lalo na at naka-waitlist ako sa bellevue. so pinuntahan din kaagad ni lynn ang other option namin na vivere. ang plano, pupunta muna sya sa bellevue at titignan kung sino ang naka-reserve doon para kung pareho nang naka-reserve sa vivere, pasok pa rin kami sa maski isa sa kanila. pero himala! pagpunta nya sa bellevue para magtanong, sinabihan sya na kaka-cancel lang nung nauna sa amin ng kanilang reservation kaya kami na ang first priority. buti na lang dala na rin ni lynn ang pang-downpayment kaya booked na booked na!!!! game na game na!!!!

ang saya-saya ko talaga! at excited kasi tuloy na tuloy na ang plano.

in retrospect, inisip ko pinagbigyan na naman ako ni Lord. Sabi ko nga kay Libay na friend ko, nako narinig ni Lord ang prayers ko at talagang na-appreciate nya ang powerpoint na pinagpuyatan ko para sa Easter mass namin!!! kaya nakuha namin ang reception na gusto namin!!! sabi nga ni Marhgil: Yahoo! Yehey! Google!

Ang bait talaga ni Lord!!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home